Isang araw, may isang kaibigan ang nagtanong sa akin kung ano daw ba ang pinakamurang internet promo ngayon na pwedeng gamitin sa online job. Sinabi nya sa akin na nakapasa daw siya sa isang transcription website kung saan magtatype ka lamang ng mga naririnig mo galing sa mga audio files na ibibigay ng mga client.
Medyo interesting kaya sa article na ito, pagusapan natin kung paano kumita online sa pamamagitan ng Transctipion services.
Ano ang Transcribing?
Ang transcribing ay isang proseso nag pag eencode ng data sa narinig mong paguusap mula sa isang audio file. Madali lang kung iisipin sapagkat kayang kaya mo itong gawin bastat marunong kang umintindi at magsulat ng Ingles.
Bawat kumpanya ay may ibat-bang ipinapatupad na privacy policy, dahil hindi maaaring lumabas sa ano mang uri at anyo ng media ang iyong pinapakinggan. Kalimitan kasi dito ay calls at recordning na kung minsan ay ginagamit sa isang hukuman.
Kaya kung nais mong makapasa bilang isang Transcriber, kailangang maipangako mo sa iyong kliyente na pangangalagaan mo ang seguridad ng mga files nila upang hindi magkaroon ng data breach.
Skills na kailangang matutunan upang maging Transcriptionist
Simple lang naman ang task ng trabahong ito bastat kaya mong intindihin ang bawat salitang naririnig mo. Isa pang kailangan mong pagtuunan ng pansin ay dapat na mabilis kang magtype sa keyboard dahil ng karaniwang kitaan sa trabahong ito ay kung gaano kahaba (in minutes) at kadami ng files ang nagawa mo.
Anong mga equipment ang kailangan ko?
Narito ang maiksing listahan ng mga equipment na dapat mong ihanda bago ka mag apply bilang transcriptionist.
- Computer – Una sa listahan ay ang computer. Maaring gamitin ang kahit anong laptop o desktop bastat ito ay may sapat na RAM memory at CPU na di bababa sa 2 cores at 2.5 Ghz.
- Headphone – Kahit na anong uri ng headphone na compatible sa iyong computer ay maari mong gamitin. Ang importante ay maganda at malakas ang tunog nito upang maging komportable at produktibo ka habang nagtatrabaho.
- Keyboard – Basically, kahit anong keyboard ay pwede mong gamitin pero hanggat maaari, wag mo itong tipirin. Hindi kasi maganda sa pakiramdam ng daliri, kamay at braso kung nagta-type ka gamit ang isang keyboard na matigas at sa loob ng mahabang oras.
- Internet – Hindi maaaring mawala ang internet dahil ang trabahong ito ay online. Kahit anong provider ay maaari mong gamitin bastat ang minimum speed nito ay 1MBPS at kung posible, dapat ay unlimited bandwith dahil di hamak na mas mura at masusulit ito kumpara sa mga promong may data capping.
Top 4 Transcription sites na pwede kang mag-apply
Narito ang listahan ng 4 legit websites kung saan pwede kang mag-apply bilang transcriptionist.
1. GoTranscript
Tumatanggap ang GoTranscript ng mga applications kahit saan bansa ka man nangaling. Hindi din masyadong mahigpit ang kanilang screening dahil maaari kang pumasa kahit wala ka pang experience. Wala ring quota pagdating sa dami ng files na kailangan mong itranscript.
Ang rate naman ay mula sa $0.6 USD kada minuto ng audio at ipapadala sayo sa pamamagitan ng Paypal.
Upang mag-apply, maari kang mag-signup dito.
2. Rev
Isa pang website na maaari mong applyan ay ang Rev. Tumatanggap lamang sila ng applikante mula sa mga piling bansa, pero ang good news ay makakapasa ka kahit na wala ka pang experience.
Babayaran ka naman ng Rev tuwing linggo gamit ang Paypal sa mula sa rate na $0.25 hanggang $1.25 kada minuto ng audio.
Upang makapasa sa kanilang competency test, maigi kung ire-review mo ang kanilang guidelines.
Kung gusto mong mag-apply, mag-signup lang dito.
3. TranscribeMe
Ayon naman sa karamihan ng mga freelancers, matatanggap ka sa TranscribeMe kahit na wala ka pang experience bastat maipasa mo lang ang kanilang online assessment.
Kumpara sa ibang transcription sites, mas mataas naman ang rate ng TranscribeMe mula sa $15.00 hanggang $22.00 kada oras ng audio file. Ang payment naman ay ipinapadala sa pamamagitan ng paypal.
Para mag-apply, pumunta lang sa registration page na ito.
4. QA World
Isa pang website na nagbibigay ng work from home job ay ang QA world. Mejo mataas ang kanilang standards sa pag pili ng mga transcriptionist dahil kailangang mayroon kang good English skills.
Ang rates ay mula sa $0.20 kada minuto ng audio file at may bonus pa kung makakatapos ka ng 100 minutes kada linggo. Ang kadandahan sa QA world ay mayroon silang Slacks Support Group kung saan may mga live na taong sasagot sa kahit anong katanungan mo tungkol sa transcription job na ito.
Upang makapasa sa kanilang online assessement, kailangan mong itype ng tama ang 60 seconds audio file.
Upang mag-apply, pumunta lang sa registration page na ito.
Final thoughts
Kung iisipin mo ay hindi kalakihan ang maari mong kitain bilang isang transcriptionist dahil nakadepende ito sa dami ng audio files na matatapos mo. Marami pang uri ng trabaho ang pwede mong pasukin bilang freelancer, ang importante lamang ay pagkakaroon ng tyaga, dedekasyon at tamang mindset upang maging produktibo habang nagtatrabaho tayo sa ating mga bahay.
Para sa mas maraming tips sa pagiging freelancer, mag subscribe lang sa aming newsletter upang makatanggap ng notification sa email tuwing lunes. Ingat!