Paano Mag-Apply at Kumuha ng Postal ID

Kailangan mo ba ng valid ID na mabilis at madali lang kunin? Sa article na ito, ituturo ko sayo kung ano ang mga requirements, presyo at steps kung paano kumuha ng Postal ID mula sa PhilPost.

Ang Postal ID mula sa Philippine Postal Corporation, o mas kilala sa tawag na PhilPost, ay isa sa pinakamadaling kunin na valid ID.

 

Bakit kailangan mo ng Postal ID?

Halos lahat ng legal na transaksyon mula sa eskwelahan, bangko, pamilihan (pisikal o online), at sa mga pampribado at pampublikong institusyon, kilangan ng lahat ng maayos, presentable at valid na ID upang matukoy ang iyong pagkakakilanlan.

Ang Postal ID ay isa sa mga kinikilalang valid ID’s ng mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor.

 

Ano ang mga requirements upang makakuha ng Postal ID?

  1. Dalawang (2) kopya ng PID Application form. I-download dito. Maaari ding makakuha ng form na ito sa pinaka-malapit na Philippine Postal Office.
  2. Magdala ng kahit na anong proof of identity, gaya ng mga sumusunod;
    • Birth Certificate (Issued by PSA or Local Civil Registrar is accepted)
    • College or Post-Graduate Transcript of Records
    • College, School or University ID
    • Company ID
    • NBI Clearance
    • Police Clearance
    • Senior Citizen ID
  3. Magdala ng kahit na anong proof of address, gaya ng mga sumusunod;
    • Barangay Certificate of Residency
    • Certified True Copy of Titles issued by the Land Registration Authority (LRA)
    • Certified True Copy of Real Estate Tax Receipt
    • School Billing Statement
    • Utility Bill (electric, internet, landline, telephone, water, etc.)

 

Step by step procedure sa pag-apply ng Postal ID

  1. Pumunta sa pinaka malapit na postal office.
  2. Ipasa ang mga required documents upang makapagumpisa na sila sa screening at encoding ng iyong personal information.
  3. Kapag tinawag ang iyong pangalan, pumunta sa Photo Booth upang makuhanan ng litrato, fingerprints at pirma.
  4. Bago nila isubmit ang iyong profile, ire-review sayo ng officer ang mga ibinigay mong impormasyon upang masiguro na walang pagkakamali sa pagkaka-encode nito.
  5. Pumunta sa cashier at magbayad ng P504.00.

 

Release at Delivery ng Postal ID

Matapos ang iyong application, maghintay ng ilang araw bago makuha ang iyong Postal ID. Ide-deliver ito ng PhilPost sa address na iyong ibinigay.

  • Metro Manila – 15 working days
  • Major Cities, Municipalities, & Metro Areas – 20 working days
  • Province, & Remote Island – 30 Working Days

 

Postal ID Application and Delivery Review

Base sa aking experience, ang Postal ID ang pinaka madali at mabilis kunin na valid ID.

 

Mabilis ba’ng makuha ang Postal ID?

Nagapply ako ng postal I.D. noong college pa lamang ako dahil kailangan ko na ng valid ID’s sa ibat ibang transaction lalong lalo na sa pag open ng savings account sa bangko.

Dahil nasa province ang address ko, ine-expect ko na 30 working days bago dumating ang aking I.D. kung kayat nagulat ako noong dumating na delivery mula sa PhilPost, after 3 working days lamang.

 

Madali lang ba makuha ang Postal ID?

Ito ang pinakamadaling ID na pwedeng kunin ng kahit sinong nangangailangan ng valid ID.

Paano ko nasabi? Kasi, mula noong college, hanggang ngayong employed na ako, ito lang ang valid ID na meron ako.

Nagtry din kasi akong kumuha ng iba pang government IDs pero hinahanapan din nila ako ng 2 valid IDs para sa application.

 

Ang mga impormasyon sa artikulong ito ay base sa aking karanasan. Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang PhilPost Website, o tumawag sa (02) 8527 0107, (02) 8527 0111.