Ang unang araw mo sa opisina ang isa sa pinaka hindi mo malilimutang alaala bilang propesyonal. Kailangan mong makisalamuha sa mga taong makikilala mo at magpakita ng magandang impresyon sa mga ipapagawa sayo. Kung dati ka nang nagtatrabaho, malamang ay alam mo na ang mga basic company policy sa kumpayang pinanggalingan mo, paano kung ito ang unang trabaho mo?
7 Myths Vs. Reality Sa Opisina
Alamin natin ang 7 na mga myths o kuro-kuro sa buhay at gawain ng isang empleyado sa opisina na karaniwan nating napapanood sa telebisyon at pelikula.
1. Paggamit ng Mobile Phone
Madalas nating napapanood sa mga palabas sa TV na ang mga empleyado ay maaaring gumamit ng kanilang mga personal na mobile phone upang tumawag o magtext.
Photo by Anna. https://www.pexels.com/@shvetsa%5B/caption%5D
Maaaring magkaiba ang mga company policy ng mga kumpanya subalit halos lahat ay nagkakaisa pagdating sa usaping ito. Ang paggamit ng mobile phone para sa pang personal na dahilan sa oras ng trabaho, at habang nasa loob ng opisina o company premises ay ipinagbabawal ng mga kumpanya. Sa totoo lang, ang mga employer ay nagse-setup pa ng mga locker units upang doon mo itago ang iyong dalang gamit gaya ng bag, pagkain at maging mobile phone. Madalas pa nga ay kakapkapan ka pa ng mga security personell bago pumasok at lumabas ng opisana o company premises. Maaari namang mag issue ng mga company phone ang inyong employer upang gamitin sa pakikipag kuminikasyon sa kapwa empleyado, superior o mga customer. Ngunit hindi lahat ng kumpanya ay kayang pondohan ang pagbili ng company phone, kaya sa ganitong sitwasyon, maaaring payagan ang mga empleyado na gamitin ang kanilang mga mobile phone upang gampanan ang kanilang trabaho.
2. Mag o-Overtime ako
Karaniwan nang maririnig sa mga palabas sa TV at pelikula na kung gusto mong umasenso, pagbutihin ang trabaho. Madalas din itinuturo sa mga eskwelahan ang kahalagahan ng pagsisikap sa trabaho upang umasenso tayo sa oras ng ating karera sa buhay.
Photo by Abdulla M. of https://unsplash.com/@abdullam%5B/caption%5D
Ayon sa Labor Code of the Philippines, ang bawat empleyado ay dapat na nagtatrabaho ng hanggang 8 oras araw araw, habang ang sobrang oras na igugul niya sa pag gawa ay tatawaging overtime. Ang empleyadong nag-overtime ay babayaran naman ng 25% base sa kanyang hourly rate. Pero hindi katulad ng sinasabi sa mga dula, hindi ka maaaring mag overtime kung kailan mo gusto. Madalas pa nga na ang mga taong nag overtime ay hindi nababayaran dahil hindi ito naaproba ng kanilang superior o ng HR. Ano ano nga ba ang mga basehan upang ma approved ang overtime?
- Sinabihan ka ng iyong immediate supervisor na mag extend upang matapos ang mga trabaho.
- Maaari din namang ma extend ang iyong oras kung hindi pa nakakapag report o hindi makakapasok ang kapalitan mo sa duty.
- Kung hindi naman kayang tapusin ang trabaho dahil sa hindi inaasahang pangyayari na hindi nila kontrolado, at naging sanhi ng delay, maaari pa ding ituring na overtime bastat magkaroon ng opisyal na kumunikasyon sa inyong superior.
- Kasama din sa extension na ito ang oras na ginugol ng empleyado sa pagbiyahe kung ginampanan niya ang trabaho sa isang malayong lugar mula sa opisina kung saan sya naka assigned.
- Madalas namang hindi alam ng karamihan na ang meeting pagkatapos ng oras ng trabaho ay kinokunsidera na overtime.
3. Pakikipag kwentuhan
Mahalaga sa pagiging produktibo ang mabuting pakikipag ugnayan sa mga kapwa empleyado kayat importante na marunong kang makisama sa lahat
Photo by RODNAE Productions – https://www.pexels.com/@rodnae-prod%5B/caption%5D
Taliwas sa mga napapanood natin, maraming organisasyon ang mahigpit na ipinagbabawal ang pakikipag kwentuhan sa oras ng trabaho. Kinukonsidera kasi itong dahilan ng pagkawala ng atensyon sa tungkuling ginagampanan ng bawat empleyado. Maaari pa din naman kayong magusap ng tungkol sa trabaho at isantabi muna ang mga personal na bagay.
4. Paggamit ng internet at telepono para sa personal na dahilan
Maraming pelikula na ang napanood ko kung saan ang mga karakter ay malayang gumamit ng telepono at internet, upang maka access sa mga social media sites, o tumawag sa mga kaibigan habang nasa oras ng trabaho. Maituturing itong violation sa unauthorized use of company equipment and resources ng company policy. Ang mga equipment gaya ng computer at telepono, kasama ang mga resources nito gaya ng kuryente, internet at telephone lines ay dapat na ginagamit para lamang sa trabaho. Upang maiwasan ang mga ganitong aktibidad, ang mga IT departments ng mga kumpanya ay naglalagay ng mga software sa mga computer upang mamonitor ang ginagawa ng bawat empleyado. Maaari din nilang iset ang router upang iblock ang mga websites na hindi naman kailangang iaccess upang gampanan ang mga task na ibinigay sa bawat empleyado.
5.Ayoko nang makita ka. You’re Fired!
Sino nga ba namang hindi pa narinig ang expression na “You’re fired?” Madalas itong sinasabi ng mga karakter sa mga pelikula at palabas sa TV na ang ibig sabihin ay tinatanggal na sa trabaho ang isang empleyado.
Ang papuputol ng kontrata sa pagitan ng empleyado at employer nito ay natural at kikilalaning legal lamang kung naaayon sa batas. Kaya kalimutan na ang mga script na napapanood natin sa pelikula dahil ang salitang “you’re fired” ay itinuturing na paglabag sa karapatan ng mga mangagawa at illegal sa mata ng batas. Maaari pa din bang agad na matanggal sa trabaho ang isang mangagawa? Ang sagot ay oo, lalo na kung mapapatunayan na siya ay may ginawang grave at criminal offense sa loob man o sa labas ng trabaho. Narito ang listahan ng mga violations na maaaring pagbasehan ng legal pagputol sa employment contract at pagtanggal sa empleyado.
- Serious misconduct – Kung ang empleyado ay nagpapakita ng hindi kaaya ayang paguugali habang ginagampanan ang trabaho sa loob ng company premises.
- Willful disobedience or insubordination – Kapag ang isang mangagawa ay tumangi sa pagsunod sa isang utos mula sa kanyang superior. Kailangang mapatunayan ng employer na ang utos na ito ay parte ng trabaho, legal at makatwiran.
- Gross and habitual neglect of duties – Kapag ang isang empleyado ay paulit ulit na nagpapabaya sa kanyang tungkulin.
- Fraud or willful breach of trust – Kapag napatunayang ang empleyado ay nasangkot sa gawain may kinalaman sa pangloloko, na nagresulta sa pagkawala ng tiwala ng employer nito.
- Loss of confidence -Kapag ang empleyado ay gumawa ng isang malisyosong gawain na ang intensyon ay pang personal, at nag resulta sa pagkawala ng tiwala ng employer upang ipaubaya ang kagamitan, proseso, sikreto at yaman ng kumpanya.
- Commission of a crime or offense – Kapag ang isang empleyado ay napatunayang gumawa ng krimen sa loob man o sa labas ng organisasyon.
- Other causes analogous to the foregoing – Kapag ang empleyado ay may nilabag sa company policy at mga batas na hindi nabanggit.
Ang pagputol sa employment contract ay dapat na dumaan sa patas at transparent na paraan o due process. Kapag ang isang empleyado ay tinaggal sa kanyang trabaho nang walang basehan ayon sa mga alituntuning nabanggit sa itaas, ito ay ilegal.
6. I Quit, Right Now!
Madalas nating mapanood sa mga pelikula na kapag ang mga karakter ay may hindi pinagkasunduan, maririnig ang “you’re fired!” At ang palabang sagot naman dito ay “Hindi mo ako kailangang tanggalin. Dahil I quit. Right now!
Ang pagre-resign o pagputol ng relasyong employer at employee ay karapatan ng isang mangagawa ngunit kailangang masunod ang mga alituntunin upang kilalanin ito ng batas. Kung nais mag-resign ng isang mangagawa, nararapat na bigyan niya ng abiso ang kanyang employer sa pamamagitan ng resignation letter, 30 araw bago ito maging epektibo. Posible ba na agarang mag resign ang isang empleyado mula sa posisyon nito? Ayon sa article 285 ng Labor Code of the Philippines, pinapayagan ang mga empleyado na mag resign at hindi na mag render ng 30 days notice kung pagbabasehan ang mga sumusunod;
-
Serious insult by the employer or his representative on the honor and person of the employee;
-
Inhuman and unbearable treatment accorded the employee by the employer or his representative;
-
Commission of a crime or offense by the employer or his representative against the person of the employee or any of the immediate members of his family; and
-
Other causes analogous to any of the foregoing.
Ngayon, kung nais ng isang empleyado na mag resign immediately, kailangang may maipakitang sapat na grounds ang mangagawa upang kilalanin itong legal ng batas. Kung hindi makapagbigay ng malinaw na paliwanag at basehan ang isang empleyado ay hindi mapuputol ang kontrata nito sa kanyang employer. Ito ay magreresulta sa pag-liban sa trabaho ng walang abiso o Absenses without leave (AWOL) na maaaring gamiting grounds ng employer sa paghahabol ng damages laban sa empleyado dahil sa aberya na dulot ng pagliban nito sa trabaho.
7. Pakikipag relasyon sa kapwa empleyado
Ang pakikipag relasyon sa kapwa empleyado ay maaaring humantong sa seryoso at pang matagalang pagsasama subalit pwede rin itong makaapekto sa ugnayan bilang magkatrabaho dulot ng personal na problema.
Photo by Krakenimage – https://unsplash.com/@krakenimages%5B/caption%5D
Ang bawat kumpanya ay may ibat ibang paraan ng pag-handle ng mga empleyado nilang may relasyon. Upang makasiguro na walang malalabag na alituntunin ay maaari kang sumanguni sa inyong HR department at humingi ng kopya ng inyong company policy.
Anong pwedeng mangyari kapag naniwala ako sa mga Myths?
Depende sa resulta at bigat ng iyong violation, maaari kang makatanggap ng written memo at notice to explain mula sa iyong superior or company HR. Mas malala dito ay ang pagpataw ng suspension without pay, termination, at lawsuits kung mapapatunayang matindi ang epekto ng iyong ginawa sa reputasyon at operasyon ng kumpanya.
Paano ko maiiwasan ang mga ganitong violation?
Sa unang araw ng empleyado, ang superior nito o ang HR ay nagsasagawa ng orientatiog. Dito ay ipinapaliwanag ang mga dapat at hindi dapat gawain habang nagtatrabaho sa loob ng opisina. Maaari kang humingi ng koypa ng inyong company policy mula sa HR department upang magsilbing gabay sa araw araw na pagtatrabaho mo sa inyong organisasyon. Para sa mga beterano na, malamang ay kabisado na nila ang mga galawan sa loob ng kanilang organisasyon. Marunong na silang magtago ng mga phones, at sumimple upang walang makakita na silay gumagamit ng social media habang nagtatrabaho. Pero para sa mga baguhan at wala pang alam, wag nyo nang tularan yung mga nakasanayan nila. Tandaan na nagapply ka ng trabaho upang gawin ang mga ipapagawa ng iyong supervisor, at hindi ka sinuswelduhan upang gumamit ng social media, at makipag kwentuhan. Hindi naman masamang manood ng mga pelikula at palabas sa TV subalit laging tatandaan na hindi lahat ng napapanood mo ay acurate, dapat paniwalaan, at gawing ehemplo.