6 dapat gawin kung inaantok habang nasa trabaho sa opisina

Inaantok ka ba?

Nasa trabaho ka ba ngayon?

Nakakatamad hindi ba?

Lahat naman tayo ay natural nang makaramdam ng antok, pero hindi na ito mabuti kung naapektuhan na ang pagiging produktibo mo sa trabaho.

Kaya kung hindi mo na kayang tiisin ang antok mo at takot kang makita ng HR ninyo, pagusapan natin kung ano nga ba ang 6 na dapat gawin kung makaramdam ng sobrang antok habang nasa trabaho sa opisina.

1. Magkape

Normal nang kasama sa buhay ng kahit sinong nagtatrabaho ang kape.

Ang tamang dosage o pagkunsumo nito ay nakakatulong sa pagiging aktibo ng ating utak at nervous system.

Marami sa mga opisina ay nagbibigay ng libreng tubig na mainit at kape sa kanilang mga empleyado.

Person Performing Coffee Art

 

2. Kumain

Depende sa inyong company policy, may mga pagkakataon ay pinapayagan ang mga empleyado na magdala ng snacks sa kanilang mga lamesa.

Ang pagkain habang nagtatrabaho ay nakakatulong sa pagiging alerto at pagkabawas ng matinding antok.

White Yellow and Brown Peanut on Clear Glass Basin

3. Papuskin ang liwanag galing sa araw

Kung ang iyong opisina ay may bintana, maaari mong pansamantalang ihawi ang kurtina nito upang pumasok ang natural na liwanag mula sa araw.

Ang sapat na liwanag mula sa araw o sa bumbilya ang nagdidigta sa “sleep clock” ng ating katawan na hindi pa oras ng pag tulog.

Desks with armchairs placed in spacious open space office with glass doors and white cupboards near big window in business center

4. Maghilamos ng malamig na tubig

Ito ang isa sa mga epektibo at mabilis na solusyon upang mawala ang pagka antok habang nagtatrabaho.

Ang malamig na pakiramdam sa iyong mukha matapos ang paghihilamos ay nakadaragdag sa pagiging alerto at pansamantalang pagkawala ng antok.

5.Break muna

Kung ang inyong kumpanya ay may 3 breaks (1st, Lunch at Last break) sa loob ng isang araw, samantalahin mo ang pagkakataong ito upang makapag pahinga.

Kung hindi na kaya ang antok, ito ang tamang oras upang umidlip at magpahinga ng sandali.

Woman in Black Long Sleeve Shirt Lying on Gray Couch

6. Makipagkwentuhan

Ang pakikipag kwentuhan sa kapwa empleyado ay tyak na makatutulong upang hindi tayo tuluyang lamunin ng antok.

Ang mga nakaka aliw na usapan ay nakapupukaw ng antensyon at nakadaragdag sa pagiging alerto.

Subalit isang simpleng babala, hindi lahat ng kumpanya ay pinapayagan ang mga empleyado nito na makipag kwentuhan sa oras ng trabaho.

Mas maganda kung kunsultahin ang inyong company policy o ang HR nang masiguradong wala kang lalabaging polisya sa inyong kumpanya.

Woman Standing Beside Window

 

Gising ka na ba?

Mahalaga ang sapat na tulog upang maiwasan ang pagka antok at kawalan ng ganang gumawa sa oras ng trabaho.

Tandaan na kapag nahuli tayo ng ating kapwa empleyado, emidiate supervisor, o mas malala, ang company HR, maari tayong bigyan verbal or written warning, notice to explain, at mas malala, suspension without pay kung madalas mo itong ginagawa.

Nagtatrabaho tayo upang mabuhay kaya lagi nating unahin ang ating kalusugan dahil ito ang puhunan natin sa araw araw na pag-gawa.

Kung gusto mong makatanggap ng mga tips upang maging produktibo sa iyong trabaho, magsubcribe lamang sa aming newsletter upang makatanggap ng email notification tuwing lunes.