Gawin ang 5 bagay na ito para ma-approve sa Adsense ang website

Kung naghahanap ka ng reliable at totoong paraan para kumita online, malamang ay maraming beses mo nang narinig ang tungkol sa blogging o article writing.

Free photo online marketing commercial connection technology

Kung pinag-aaralan mo pa lang kung paano gumawa ng website, o may website ka na at handa nang mag-apply sa Ads, o ikaw ay nag-apply na sa AdSense, ituturo ko sayo kung ano ano nga ba ang dapat at tamang gawain para mas mabilis maaproved ang iyong aplikasyon sa Google Adsense?

Base sa aking karanasan, noong una akong nag-apply sa AdSense ay inabot ng 7 araw bago ako nakatanggap ng rejection notice.

Syempre, pinanghinaan agad ako ng loob.

Inisip ko na nagsayang lang ako ng pera nang bumili ako ng domain name at hosting service.

Sayang ang oras na ginugol ko para sa pag-gawa ng mga content.

Sinunod ko naman yung mga payo ng mga experto, pero ni reject pa din ang application ko.

Pakiramdam ko tuloy ay sobrang malas ko.

Hanggang sa nag research ko na marami pala ang hindi na a-approve ang website sa Adsense Program.

Naisip ko na bakit halos 5% lang ng mga application ang natatanngap kung sinusunod naman ng nakararami ang tamang pamamaraan ayon sa mga eksperto?

Hindi kaya may mali sa mga pinapayo nila?

Sinubukan kong muli na ayusin ang aking website at SEO sa sariling pamamaraan na aking nauunawaan, at laking gulat ko nang ma-approve ang aking blog!

Dahil dito, ituturo ko sa inyo ang mga simpleng pamamaraan na napatunayan ko na base sa sariling karanasan, na magpapabilis ng iyong application sa Google AdSense Program.

 

3 bagay na dapat gawin upang ma-approve ang website sa Google AdSense

Sa section na ito, ipapaliwanag ko kung paano natin masisigurado na ang website natin ay sumusunod sa Adsense Program Policy.

 

1. Real Traffic

Unang-una sa listahan ay bawal ang fake traffic.

Huwag tayong gagamit ng mga robot services para magparami ng fake visitors sa ating website.

Free Analysis Analytics photo and picture

Huwag tayong maniniwala sa mga advertisement ng mga traffic generator sites that claim “Adsense Safe.”

Walang ganun!

This is specially if you are using Analytics by Google.

Dahil dito, madaling malaman ni Google na ang mga visitors mo ay hindi totoo.

Dapat tayong magfocus sa tunay na traffic from real visitors.

 

2. SEO Friendly na Website

Dahil hindi pwede ang fake traffic, you have to focus on attracting real visitors.

Saan tayo kukuha?

Free Macbook Laptop photo and picture

From search engines.

Dito kasi ang number one na takbuhan ng mga nagse-search ng articles, content, at iba pa, online.

Paano natin gagawin ito?

We have to make our website a SEO friendly.

Sa totoo lang ay napakaraming dapat gawin para maging SEO friendly ang iyong website.

Pero ano ang pinakang importante dito?

Relativity at original.

Dapat ay related sa search inquiry ng visitor ang iyong website.

Kailangan kasi nating ibigay ang hinahanap ng visitor.

Yung tunay na kailangan nila.

Be straightforward.

Simple lang di ba?

 

3. Unique at Valuable Content

Pasimplihin pa natin ang paliwanag dito.

Unique means naiiba.

Free Virtual Learning Online photo and picture

Hindi tayo pwedeng gumawa ng ginayang content.

Lalong hindi natin pwedeng kopyahin ang content na naka-published na sa iba.

Pagnanakaw yan!

Bukod kasi na hindi na magiging SEO friendly ang iyong website ay hindi ito tama.

Gumawa ka ng original.

Yung matatawag mong sariling gawa.

Para may Value.

Mas pinahahalagahan kasi natin yung mga pinagpagurang content kumpara sa kinopya.

 

4. Don’t Spam

Anything na may element of fraud, o pangloloko is a big No-No..

Katulad ng title ng article na ibang iba sa content.

O hindi kaya ay exagerated.

Free Traffic Signs Attention illustration and picture

Huwag din tayong gagawa ng scheme na may layuning manlinlang.

Bukod sa masama, ay illegal din ang pagpa-published ng false information.

Para naman magkaroon ng value ang content at website mo.

Sa ganitong paraan, babalik ang mga visitors mo at magkakaroon ka ng credebility.

 

5. Published Essential Pages

Apat na essential pages ang nirerequired na makita ni Google Adsense bago i-approve ang iyong application.

1. About Me/Us – Ilahad mo dito kung sino ka bilang author, o ang organisasyon na may kontrol sa website.

Ipaliwanag ng detalyado ang mga impormasyon tungkol sa website gaya ng topic na balak mong isulat.

2. Contact Me/Us – Ilagay ang mga pamamaraan kung paano ka mako-contact ng audience na bibisita iyong sa website.

Maaaring ito ay numero ng telepono, email address, at mas maganda, kung mayroon kang physical na mailing address.

3. Privacy Policy – Ipaliwanag mo dito kung ano-ano ang mga data o impormasyon na kinukuha ng iyong website, bakit ito kailangang kolektahin at ano ang mga pamamaraan na iyong ginagawa para protektahan ang data ng mga audience.

4. Terms and Condition – Karamihan sa mga website ay walang terms and condition page, kung saan nakasaad ang mga karagdagang policy sa pagitan ng publisher at user.

Ang terms and condition ay higit na kailangan kung pinapayagan mo ang mga audience na gumawa ng account sa iyong website.

Ito ay gaya ng mga forum, eCommerce (online shop), social media, online communities at iba pa na nangangailangan ng istriktong policy para ayusin ang behavior ng mga audience.

 

Paano Mag-Apply sa Google AdSense?

Kung marami-rami nang audience at natatanggap na visitors, ibig sabihin ay gumana ang ginawa mong SEO.

Oras na para mag-apply at pa-aprobahan ang iyong website kay Google AdSense.

Pumunta sa adsense.google.com at mag-login kung may Google Account ka na.

Maaari ka namang mag register sa accounts.google.com.

Kapag nasa dashboard ka na, hanapin/pumunta sa “Websites” at i-click ang Add website button. 

Ilagay ang domain name ng iyong website gaya ng http://www.URL.com, i-click ang submit. 

I-copy ang code na ibibigay ni Google at i-paste ito sa header part ng website mo, kung ikaw ay gumagamit ng WordPress.

Kung ikaw naman ay gumagamit ng blogger.com, pumunta sa dashboard nito at hanapin ang monetization.

Kapag nasa monetization ka na, i-click ang apply for monetization at wala ka ng setup na iintindihin, kumpara sa WordPress.

Ang pag-aproba ng iyong website ay tumatagal ng 24 oras hanggang 7 araw, dipende sa dami ng application at sa kalidad ng iyong website.

Base sa aking pag-aaral at experience, kapag ang website ay may kalidad, ito ay naa-aprobahan agad habang ang mga website na iilan lang ang artikulo na naka-post, at may mababang kalidad, ay inaabot ng hanggang 7 araw.

Makakatanggap ka ng email notification mula kay Google tungkol sa iyong aplikasyon sa loob ng 7 araw.

 

Ano nga ba ang Google AdSense?

Bago tayo mag-umpisa, alamin muna natin kung ano nga ba ang Google AdSense.

Ayon kay Wikipedia, ang Google Adsense ay isang program na pinapatakbo ng American tech giant company na Google, kung saan ang mga may-ari ng websites (website publishers) na konektado sa Google Networks ay maaaring mag-palabas ng mga patalastas sa anyo ng Text, Image, Video, at mga interactive advertisement.

Ang mga patalastas na lumalabas sa ay binabayaran ng mga Advertisers, upang magkaroon ng mas malawak na visibility ang kanilang mga produkto at serbisyo.

Bilang isang publisher na aprobado ng google, ang mga patalastas ay lilitaw sa iyong website, at dito nag-uumpisa ang ating business.

Ang Google Adsense na isang third-party advertising vendor ay ang pinaka-popular at ginagamit ng mas nakararaming publisher.

Sa modernong panahon ngayon, ito ay nagbibigay ng hanap-buhay para sa nakararami, at nagsisilbing malawak na oportunidad para sa nakararami.

At ito ang dahilan kung bakit napakaraming website ang nagkalat sa world wide web, gaya ng blog at iba pa na nag o-offer ng serbisyo.

 

Paano kumita gamit ang Google Adsense?

 

1. Views – Babayaran ka depende sa dami ng nakakita ng patalastas.

Ang kalidad ng pinanggalingan ng mga traffic ay direktang nakaa-apekto sa presyo ng patalastas.

Mas malaki ang presyo kung ang traffic ay nanggaling sa Google search, at ang audience ay bago lamang o hindi pa nakakabisita sa iyong website.

 

2. Clicks – Babayaran ka sa bawat clicks ng iyong audience.

Ang presyo ay nakadepende sa offer ng advertisers, sa kalidad ng iyong content, dami ng page-views o traffic na nakukuha mula sa tunay na audience (hindi robot) at madami pag iba.

Halimbawa, mas malaki ang binabayad ng mga advertisers na nabebenta ng sasakyan kumpara sa mga nagbebenta ng groceries sa online.

 

3 Channels para kumita sa Adsense

May tatlong Platform na kailangan mong malaman upang kumita sa Google Adsense.

Ito ay ang website, application at Youtube channel.

 

1. Website – Kailangan mo ng isang website na mayroong maganda at de-kalidad na content.

Maaari itong self hosted kung saan kailangan mong bumili ng domain name, web hosting service, at iba pa.

Maari din namang mag-register sa mga free blog hosting site gaya ng WordPress.com at blogger.com.

Ang iyong content ay kailangang lumalabas sa mga search engines gaya ng Google.com at mga social media sites gaya ng Facebook at Twitter.

 

2. Application – Una, kailangan mong maging isang software developer upang makagawa ng mga apps sa android at ios.

Susunod, dapat ito ay available i-download sa Google Play o sa Apple App Store.

 

3. Youtube – Kailangan mong maging isang content creator, at mag-upload mga mga orihinal at de-kalidad na video sa iyong Youtube channel.

Ang pinaka-importante sa lahat ay kailangan mo ng madaming visitors o audience, kung saan, ipapakita natin ang mga patalastas na binayaran ng mga advertisers.

Halimbawa, nag sulat ka ng blog sa isang website na patungkol sa mga sasakyan, at ibat ibang topic na maaaring na katulad nito.

Kung nasunod mo ang tamang Search Engine Optimization, ito ay magiging available na sa mga search engines.

Hindi magtatagal ay magkakaroon ka ng mga audience na interesado sa mga isinulat mo, at bibisita sa website mo upang magbasa at mag-kumento.

Ang mga patalastas ng mga Google advertisers ay lilitaw sa iyong webpage at magiging visible sa mga targetted audience o visitor ng iyong artikulo.

 

Conclusion

Ang pagpapa-approve ng website upang makasali sa Google Adsense Program can be tricky.

Kaya hindi lahat ng webmaster ay naa-approved dito.

Pero kung susundin lamang ang mga nasabing tips ay mas maging madali ang paga-apply.

Ang mga tips na ito ay base sa personal experience lamang.

Maaaring mas marami pang advises ang ibang mga webmaster at expert.

Wala din namang masama kung susundin mo ang lahat ng advises na makikita mo sa pagre-research mo kung paano nga ba maa-approve ang iyong website sa AdSense.

Sa huli, ang importante ay ma-approve.

Di ba?

Cheer up!

Kung may mga katanungan ka tungkol sa iyong pag-aproba ng iyong AdSense application, mag-leave lang ng comment sa ibaba.