4 simpleng technique para ma-improve ang SEO

Your website is up and online.

Kaya lang walang nakakakita.

Paano kaya lalabas ito sa mga Seach Engines/Social Media?

Ano nga ba ang dapat gawin para makita ng target audiences mo ang iyong website?

Kung live na ang iyong website, kailangan na natin itong palabasin sa mga search engines at mga social media.

Narito ang 4 tips na dapat sundin para maimprove ang SEO ng iyong website.

 

1. Gumawa ng maraming backlinks

Kailangan mong mag post ng iyong mga link sa ibat ibang website sa pamamagitan ng Guest Posting.

Maghahanap ka ng iba pang website owner para ipost ang iyong article sa kanilang website na may link pabalik sayo.

Sa ganitong paraan, iisipin ng mga search engines na popular at mapagkakatiwalaan ang iyong website.

Mae-establish din ang iyong niche online sa pamamagitan ng maraming backlinks.

Halimbawa, kapag sinabing http://www.WEBSITE.com, ang agad na iisipin ng mga tao ay isang online publishing site kung saan makakapag post ng article (guest post) ng libre.

 

2. I-claim ang social media profiles

Hindi lang ang Google.com ang itinuturing na pinaka malaking search engine sa mundo, narito din ang mga social media sites gaya ng Youtube, Facebook at Twitter.

Gumawa ka ng mga profile sa ibat ibang social media sites at ikwento ang mga topic na nais mong malaman nila.

Dahan dahan sa pag popost ng mga link dahil hindi maiiwasan na iba-banned nila ang iyong profile o ang mismong website dahil sa pag-aakalang nagi-spam ka.

 

3. Pag-aralang mabuti ang iyong keyword

Paano ka nakarating sa webpage na ito?

Hindi mo naman siguro hinulaan ang link ng article na ito? Hindi nga ba?

Malamang, gumamit ka ng search engine gaya ng Google.com, at nagsearch ka “kung paano maa-approve ang iyong blog sa Google AdSense?” At yan ang isa sa mga keyword ng webpage na ito.

Kailangan mong pag-aralan at tuklasin kung ano ano ang mga keyword ng iyong article, at alin dito ang nagdadala ng pinaka-maraming organic traffic.

 

4. Pabilisin ang pag-load iyong website

Nagre-research ka ‘kung paano maapprove ang iyong application sa Google Adsense,’ nang makita mo ang sa search result ang page na ito.

Dahil interesado ka sa resulta, pinindot mo ito at nag-umpisang mag loading, hanggang sa inabot ng 1 minuto at wala pa ding lumilitaw na sulat o larawan sa pahinang ito.

Nakaka-inip di ba?

Ayon sa mga eksperto, kapag ang website ay hindi nag-load matapos ang limang (5) segundo, 70% o pito (7) sa sampung (10) visitors ang umaatras at bumabalik sa search result upang maghanap ng webpage sa iba pang mga resulta.

Maraming dahilan ang pag-bagal ng website (maliban sa mabagal na internet) gaya ng mabagal na web-server, dami ng traffic sa kasalukuyan, hindi magandang pagkakaayos ng webpage, napakaraming advertisement at iba pa.

Ito ang dahilan kung bakit ko inererekomenda na pumili ng magandang web hosting company na swak sa budget mo.

 

Bakit kailangan ang SEO?

Ang ibig sabihin ng S.E.O. ay Search Engine Optimization.

Kung walang search engine, paano mo kaya mararating ang website na ito para malaman ang mga inaalam mo?

Paano mo malalaman na may tutorial na ganito sa website na ito?

Huhulaan mo ba ang url ng page na ito?

O huhulaan mo din ba at sasabihing, “may tutorial kung paano ma-approve sa Google Adsense sa website ng http://www.WEBSITE.com at ang URL nito ay http://www.URL.com/XXXXXXXX“?

Dito pumapasok ang search engines.

Ang search engine ay ang website na naglilista ng mga webpages sa buong web.

Kagaya ito ng index sa library kung saan nakalista ang lahat ng mga aklat base sa pangangalilangan ng mga naghahanap.

Pero hindi lahat ng webpages ay inililista ng search engine gaya ni Google.com.

Committed kasi sila na ibigay sa tao ang karapat dapat na webpages base sa hinahanap nito.

Gugustuhin mo nga ba na ibigay ni Google ang website na hindi naman masasagot lahat ng gusto mong malaman?

Natural hindi!

Dito pumapasok ang SEO, ang masalimuot na pamamaraan para palitawin ang iyong webpage sa mga search engines.

 

Conclusion

Pagkatapos mong gawin ang mga nasabing advise, it takes time for your website to be optimized.

Ang S.E.O. ay isang tuloy tuloy na proseso ng pag-aaral, experiment at paghihintay.

Sundin lamang ang mga payo na nabanggit para maging search engine friendly ang iyong webpages.