Gift ideas para sa baby na inaanak (0 to 12 months)

May nagtanong lang kasi sakin na isang friend, at kailangan na daw nyang i-prepare ang gift para sa inaanak nya.

Sa sunday na kasi yung binyagan, pero hindi pa sya nakakabili ng gift dahil wala daw idea kung ano ang pwedeng ibigay para sa baby na inaanak.

Naghahanap ka rin ba ng gift ideas para sa inaanak mo?

Tara pagusapan natin ang mga gift ideas para sa baby na inaak, from 0 to 12 months.

 

Cash

Nakakatawa. Nag search ako sa facebook, at ang sabi ng isa sa mga comments ay “Cash.”

Teka lang, pwede nga ba ang cash ipang-regalo sa baby?

Oo naman, puwedeng-puwede ang cash!

Lalo na kung wala ng oras at hindi ka sigurado kung anong specific gift ang ibibgay mo.

Ang cash ay flexible at siguradong magiging welcome gift para sa mga magulang, dahil maaaring magamit nila ito para sa mga pangangailangan ni baby.

 

Damit

Ang mga damit para sa mga sanggol ay magandang regalo dahil ito ay praktikal na pangangailangan ng mga babies.

Maigi na piliin ng mabuti ang fabric na gamit sa mga damit na ireregalo dahil ang mga babies ay mayroong sensitive skins.

Maaari din naman ang personalized para may special touch, dahil dito, magkakaroon ito ng sentimental value para sa pagbibigyan.

Ang pagbibigay ng mga damit sa mag inaanak na sangol ay hindi lamang makapagbibigay na pangangailangan sa kasuotan, kundi maaari rin itong maging isang espesyal at makahulugang regalo para sa espesyal na okasyon tulad ng binyag.

 

Laruan

Ayon sa mga experto, ang pinaka-kailangan ng mga sanggol ay ang physical interactions sa mga matatanda.

Sa ganitong paraan, nae-enchance natin ang kanilang pagsasalita, pag awit, at marami pang bagay na nade-develop pa lamang sa mga babies.

Kaya ang paggamit ng mga laruan sa mga interactions na ito ay hindi lamang nakakapag-pukaw ng atensyon ng mga bata, kundi nakakapag bigay ng extra happyness para sa mga infants.

Halimbawa, ang mga laruan na may iba’t ibang texture o tunog ay nakakatulong sa kanilang sensory exploration.

At syempre, hindi mo kailangang magpapahuli sa excitement ng pagbibigay ng regalo sa baby!

 

Activity Play Mat

Ang activity map tulad ng puzzle mat ay magandang regalo para sa mga sanggol.

Usually, ang mga sanggol ay naguumpisang maupo nang mag-isa sa edad na 6 to 8 months.

Pero, kung gusto mong magbigay ng activity map sa mas bata pang edad, pwede rin naman!

Maaaring gamitin nila ito habang sila ay nakahiga pa lamang.

Sa ganitong paraan, maaari nilang ma-explore ang mga kulay at texture habang sila ay nasa kanilang naguumpisa nang tumagilid o gumapang.

Kaya kahit anong edad, siguradong magiging maganda at mag-eenjoy ang baby sa regalong activity map!

 

Diaper

Oo, puwedeng isama ang diaper sa mga regalo para sa baby infant!

Napaka-praktikal nito, kasi talagang kailangan ng mga parents ang mga diaper supplies for their newborn.

Pag mayroon silang extra, hindi sila mahihirapang maghanap sa oras ng pangangailangan.

Maaaring maging expensive din ito sa long term, lalo na kung iisipin natin na good for 1 or more months ang ireregalo natin.

Pero overall, isa itong useful at helpful na regalo para sa mga babies.

 

Bag

Pumili ng bag na pwedeng gamitin mula infancy hanggang toddler years.

Hindi lang ito magagamit para sa pagdadala ng mga essentials ng baby, kundi pati na rin para sa mga gamit nila habang lumalaki.

Ang magandang bag ay maaaring magtaglay ng maraming compartments at madaling linisin.

Syempre yung matibay na para magamit nya ng mahabang panahon.

Talagang ma-appreciate ‘yan ng mga magulang (at ng babies syempre lalo na kung makulay ang bag) at magiging useful hanggang sa mga susunod na taon ng paglaki ng bata.

 

Baby wash

Ang baby wash ay isa pang magandang regalo para sa mga newborn!

Hindi lang ito ordinaryong soap na magagamit para shower, kundi protection para sa mga sensitive skins ng mga babies.

Pero mahalaga pa rin na alamin ang kanilang personal na preference o kung anong brand ang ginagamit nila bago magbigay ng baby wash bilang regalo.

 

Piliin ang ibibigay na regalo

In conclusion, mahalaga na pagisipan at pagpilian ang laruan na ireregalo natin para sa mga sanggol.

I-consider natin ang kanilang developmental needs at mga aktibidad na maaaring mag-ambag sa kanilang development.

Ang pagpili ng mga regalong nabanggit ay hindi lamang nagbibigay ng kaligayahan sa bata, kundi nagtutulong din sa kanilang maayos na pag-unlad sa unang taon ng kanilang buhay.

Ikaw?

Anong ireregalo mo sa baby na inanak mo?