While going to adulthood, napapansin natin na mayroon pala tayong mga unwritten or unspoken social rules, or etiquettes? Right?
Ang “unwritten social etiquettes” ay mga informal na rules at etiquettes na magiging gabay sa atin upang maiwasang maging impollite, o magpakita ng hindi kaaya-ayang kilos, paguugali.
Iba-iba ang mga etiquettes na ito depende sa kultura, lugar, at konteksto ng lipunan, pero paguusapan natin ngayon kung ano ano ang mga unwritten social etituettes na dapat nating matutunan as an adult.
Don’t use phone while socializing
Isa ‘yan sa mga halimbawa ng social etiquette na madalas ay hindi alam ng nakararami.
Kapag tayo ay nakikipag-usap sa ibang tao o kasama sa isang social gathering, mahalaga na magbigay-pansin tayo at makinig nang maayos.
Hindi sapat ang physical appearance kung nasa malayo ang ating focus.
Hindi socializing ang tawag doon.
Ang paggamit ng cellphone habang nakikipag-usap ay maaaring maging nakaka-asiwa sa kausap at mga kasama.
Nagpapakita din ito na hindi tayo interesado sa sinasabi nilam at ng kawalan ng interes sa topic, o maging sa kausap.
One of thousands experiences i can give is while nagkekwentuhan kami kasama ang isang barkada na broke, and kailangan ng kausap, ang isa sa amin ay naglabas ng phone.
Walang mali doon dahil normal naman.
Hindi lahat ng normal ay tama, at dapat ipagsawalang bahala.
Nagsalita nga yung kaibigan namin.
Ang ikinukwento nya ay tungkol sa problem sa parents na hindi naniniwala sa mga ginagastos sa school.
Tumutugon naman ang tropa na nag-scroll lang sa social media pero alam naman natin na hindi sya naka-focus sa kwentuhan.
Tapos, nagtanong si friend na “kung sayo mangyari yan, ano bang dapat gawin.”
Ang sagot naman nun kasama namin na may hawak na phone ay “yes,” and nod.
Like, kung ikaw yung nagkekwento, ano bang mararamdaman mo?
Puwedeng magdulot ito ng pagka-hiya, at maaari mong isipin na hindi ka nila gustong kausap.
As a friend in need, kailangan nya ng comfort and sympathy, hindi disappointment.
Nakadadagdag lang ito sa bigat ng dinadala nila.
Iwasan natin ang paggamit ng cellphone at iba pang mga devices habang kasama ang iba upang mapanatili ang respeto at kagandahang asal sa pakikipag-socialize.
Give way – Huwag salubungin ang iba sa daan
Halimbawa nito ay naglalakad ka sa isang walkway, tapos may nakasalubong ka na grupo na magkakasabay naglalakad kasalubong mo.
Sabay sabay sila at nasakop nila yung dadaanan mo, to the point na kailangan mo pang tumabi para padaanin sila.
Sa lipunan, ito ay maituturing na hindi maayos na pag-uugali o hindi pagpapakita ng sapat na respeto sa ibang tao.
Bagaman hindi ito masyadong masamang consideration, ang mas magandang gawin sana ay magpakita ng pagiging maunawain at mapagbigay sa mga nakasalubong sa daan.
Hindi kasi ito okay lalo na sa mga experiences ko at ng iba pa na may dala dalang mabigat habang naglalakad.
Pwede naman tayong maglakad ng magkakasama, but give way to others.
Nangyayari din ito sa mga pintuan ng train at elevators.
Kung nasa loob ka ng pinto at bumukas ito, maaari tayong tumabi, o lumabas muna para makadaan ang mga nasa likod.
Kung tayo ay nasa labas ng pinto at bumukas ito, palabasin muna natin sila bago tayo pumasok.
Makikita din natin sa ilang piling lugar ang mga signs na nagpapapaalala sa unspoken rule na ito.
Refill when returning borrowed vehicle
This is a common thing and marami akong naririnig sa mga kakilala ko na nagpahiram ng sasakyan.
Ang pagpaparefill ng tank o pagbabayad para sa fuel ay isang halimbawa ng tamang pag-uugali kapag nagbabalik ng hiniram na sasakyan.
Sa pamamagitan ng pagpaparefill ng tank bago ibalik ang sasakyan, ipinapakita natin ang ating paggalang sa may-ari ng sasakyan at ang ating pasasalamat sa pagpapahiram sa atin ng nito.
Theres no rules naman kung gaano karami, pero in minimum, dapat na ibalik natin yung vehicle sa estate ng tank noong kinuha natin?
Let say hiniram natin ng half tank, then fill up atleast half tank or more. Di ba?
Ito ay nagpapakita rin ng pagiging responsable at maalaga sa mga bagay na hiniram natin mula sa iba.
Kaya’t dapat nating tandaan na ang pagbabalik ng sasakyan na may sapat na fuel ay hindi lamang isang etiquette, kundi isang magandang asal ng pagiging mapagbigay at maasahan sa ating mga kaibigan o kamag-anak na nagpapahiram sa atin ng kanilang sasakyan.
Kapag ginawa mo ito, malaki ang possibility na makakaulit ka.
If someone missed your call twice, give space
When you are calling someone, and missed your call, its okay to redial.
Pero kung twice na hindi sumasagot sa tawag mo, okay lang na bigyan mo muna siya ng space.
Lets wait, of course, unless, emergency ang pakay natin.
Hindi lang ito limited sa call, lets include chat and text messages.
Maraming mag-jowa ang nag-aaway tungkol dito. Specially para sa mag-asawa.
If you didn’t get an answer, lets wait. Lets be mature.
Baka busy lang siya at may ibang ginagawa.
Hindi rin maganda na paulit-ulit mong tatawagan agad o susundan ng maraming messages.
Bigyan mo lang siya ng oras to return call or reply in your messages if they are ready and available na.
Mahalaga rin na maging maunawain at maghintay nang may pasensya sa mga ganitong sitwasyon.
In this way, we are showing respect in the personal space of the others.
Never order expensive food when someone is treating you
May nag-alok ba sayo na ililibre ka ng pagkain?
Manliligaw mo man yan o kaibigan, kung may nanglibre sa’yo, importante na maging considerate sa kanilang budget at desisyon.
Hindi maganda na mag-order ng mahal na pagkain o mamahaling item kahit pa sabihing ililibre ka.
At lalong hindi rin kaaya-aya na pilitin natin ang isang tao na ilibre tayo.
Mas maganda na mag-order ka ng mga pagkain na katumbas ng inaalok o kung ano ang naayon sa budget ng nanlibre sayo.
Ito ay nagpapakita ng pagiging sensitibo sa kanilang financial situation at ng pasasalamat para sa pag-treat sa’yo.
Teka muna wait!
Hindi ba normal sa kulturang pinoy ang magbiruan ng “magpalibre ka naman” ang mga magkakaibigan o magkapamilya?
Sa konteksto ng biruan sa mga kaibigan at pamilya, minsan ay normal na magbibiro tungkol sa pagpapalibre.
Ang mga ganitong biruan ay karaniwang ginagamit para magpalitan ng tawanan at magpakita ng kasiyahan sa isa’t isa.
Ngunit kahit na biruan lang ito, mahalaga pa rin na maging sensitibo sa mga limitasyon pagdating sa biro.
Lalo na kung nagdudulot na ito ng pagiging uncomfortable ng isang tao.
Marami kasi ang naiipit lang sa sitwasyon, at napipilitan na lang na manglibre, kahit na wala ito sa budget niya. Its a norm in our culture, but be sensitive.
Dont make fun of someones appearance
Hindi maganda na gumawa ng biro tungkol sa pisikal na anyo ng isang tao.
Lalo na kung harapan natin itong ginagawa.
Nakakasakit ito ng damdamin at maaaring maging hindi komportable ang kausap.
One sample is a personal experience in office, when a newly hired comes in, and syempre ipinakilala ng boss sa team.
This person introduced herself as a transwomen.
They get comfortable with each other, until someone asked a question, “masakit ba magpa change gender?”
Na nasundan pa ng “accepted ka naman ba ng mga parents mo?”
At ng isa pa “Mas maganda ka ngayong girl ka na.”
The next comming days ay hindi na ulit namin nakita yung newbie until we’ve learned na nag-awol na sya.
Another example is body shaming.
Never ever call anyone based on their appearance, even if its a joke.
Katulad ng may kinalaman sa kulay, timbang, at kaanyuan.
Like this real life experience when I heard some colleague this: “Binigyan nya ako ng bracelet, then sabi nya, ‘pasalubong ko ito galing sa boracay.’ E hindi naman halatang galing sya doon kasi dati na syang sunog!”
Come on. Wag tayong maging insensitive.
Mas maganda pa rin na magpatawa ng hindi nakakasakit sa iba, at mag-focus sa ibang bagay na hindi personal na pag-uugali o itsura.
Respect different political opinions
During the 2022 election campaign period, I was asked about my political affiliation.
Sino ba ang iboboto ko sa darating na election.
Hindi ko sinagot ng direkta ang tanong pero sinabi ko yung katangian ng ideal politician ko, without dropping a name.
The response was “Bakit hindi mo iboboto is ******?“
Casual lang naman ang paguusap namin, pero uncomfortable na ko since this is a one on one training and work related yung session namin.
Hindi ko sinagot ng direkta ang tanong nya.
Then she promoted this candidate using the false information she gathered online.
The training sessions turn into political discussions.
And pinipilit nya talaga na dapat kong iboto itong tao na ito, if I really wanted a change.
Can’t I change myself without this person?
Kailangan ba ng ibang tao to discipline yourself and make some positive changes?
Sa totoo lang, everytime na nagkikita kami, we both laugh about what happened.
But kidding aside, she never regrets what she did.
She is newly hired and Im her trainer.
Cant believe that may mga ganon palang tao na they will ruin their first impression in the company for the sake of political affiliation, or should I rather say, “political pamimilit.”
Another example is may nag post sa isang facebook groups ng isang kilalang university sa Manila.
This happened the same year, during the 2022 presidential campaigning period.
May mag-jowa na nag break dahil lang sa magkaiba sila ng sinusuportahang candidate.
This person, and I, couldn’t believed na makikipag break si girl dahil sa hindi sila magkaparehas ng sinamahang campaign rally.
Well, this is a serious issue.
Mahalaga ang paggalang sa iba’t ibang opinyon at pananaw sa pulitika.
Sa isang demokratikong lipunan, magkakaroon ng iba’t ibang pananaw at paniniwala sa mga isyu sa politika, at ito ay normal at dapat nirerespeto.
Hindi lahat ay magkakatugma sa kanilang pananaw, at ang mahalaga ay ang pagiging bukas sa pakikinig at pagpapahalaga sa karapatan ng bawat isa na magkaroon ng kanilang opinyon.
Sa halip na mag-away o magkawatak-watak, mas magandang magtulungan upang maunawaan ang mga pagkakaiba at maghanap ng common ground para sa kabutihan ng lahat.
Sa ganitong paraan, nakakatulong tayo sa pagpapanatili ng respeto at pagkakaisa sa ating lipunan.
Never interrupt people talking
Communication should always be two-way.
Kaya importante na huwag nating puputulin ang iba kapag may sinasabi pa ito.
Mahalaga ang pagbibigay ng tamang respeto sa mga taong nagsasalita sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagputol o pag-interrupt sa kanilang pagsasalita.
Kapag tayo ay nag-iinterject o nagsasalita habang may ibang tao na nagsasalita, maaari itong maging sagabal at mawala ang focus sa kanilang sinasabi.
Ito ay maaaring maging nakakainsulto o hindi maganda sa pakikitungo sa kanila.
Maghintay tayo na matapos sila magsalita bago sumagot upang maipakita natin ang pagpapahalaga at respeto.