Pilipinas, layong palakasin ang turismo mula sa Austria

Pilipinas, layong palakasin ang turismo mula sa Austria

Naki-pag-ugnayan ang Pilipinas at Austria para palakasin pa ang ugnayan nila sa turismo.

Ayon sa Department of Tourism, todo-suporta sila sa pagpapalakas ng turismo mula sa Austria, isang emerging European source market.

Nagkaroon kamakailan ng working visit si Tourism Secretary Christina Garcia Frasco sa Austrian State Secretary for Tourism na si Susanne Kraus-Winkler sa Vienna, Austria.

Gusto raw nilang pagtuunan ng pansin ang pagpapalakas ng relasyon ng dalawang bansa, lalo na sa tourism industry.

Napansin ni Frasco ang malaking opportunity sa Austrian market, lalo na’t nakaka-impress daw yung 89% recovery rate ng visitor arrivals mula Austria patungong Pilipinas noong 2023, na umabot ng 13,180, kumpara sa 14,840 na arrivals noong 2019 bago pa ang COVID-19 pandemic.

Malaking sektor din daw ng trabaho para sa mga Pinoy sa Austria ang tourism, kaya halos 25% ng Filipino immigrants sa Austria ay nagtatrabaho sa sektor ng turismo.

 

Ano ang pakinabang ng tourism industry sa Pilipinas?

Malaki ang pakinabang ng tourism industry sa Pilipinas, hindi lamang sa ekonomiya ng bansa kundi pati na rin sa mga indibidwal na Pilipino.

Narito ang ilan sa mga halimbawa nito.

Paglikha ng trabaho

Ang industriya ng turismo ay nagbibigay ng maraming trabaho sa mga lokal na komunidad, mula sa hotel at restaurant staff hanggang sa mga tour guides at souvenir vendors.

Mas maraming turista, mas maraming trabaho at opportunity ang mabubuksan.

Magandang Gross Domestic Product (GDP)

Ang pagdami ng turista ay nagpapataas sa GDP ng bansa, dahil sa paggastos ng mga turista sa accommodation, pagkain, transportasyon, at iba pang serbisyo.

Trading

Ang paglago ng turismo ay nagbibigay ng pagkakataon para sa mga lokal na negosyo na kumita at lumago, katulad ng mga hotel, restawran, at souvenir shops, transportation at mga negosyong naka link dito.

Suporta ng lokal na produkto at serbisyo

Ang mga turista na gumagastos sa bansa ay nakapag-bibigay ng suporta sa lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng pagbili ng lokal na produkto at paggamit ng lokal na serbisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *