China Coast Guard, binangga at binomba ng tubig ang mga barko ng Pilipinas

Noong March 5 ng umaga, sa isinasagawang routine resupply mission ng civilian at coast guard vessels ng bansa sa Ayungin Shoal, West Philippine Sea, pumasok at nangharas ang mga barko ng China Coast Guard.

Isa sa hindi bababa sa limang barko ng Chinese coast guard ang agresibong lumapit at binangga ang isang patrol vessel ng Pilipinas.

Sa video na kuha mula sa barko ng Pilipinas, maririnig ang malakas na pag-gasgas mula sa pagbangga ng barko ng China.

Kung hindi naging maagap ang crew ng nating barko sa paglalagay ng rubber fender sa gilid ng barko, ay tiyak na mas malaking danyos ang makukuha nito.

 

Side Swiping

Makikita din sa video ang dalawang tauhan ng China Coast Guard na kumukuha lang ng video habang nagaganap ang side-swiping.

Ang “side-swiping” ay isang aksiyon kung saan ang isang sasakyang pandagat ay bumangga sa gilid o pinupuntirya ang gilid ng ibang sasakyan sa paglalayag.

Ito ay maaaring maging panganib at ilegal sa ilalim ng international law, partikular sa aspeto ng navigation safety.

Sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), may mga prinsipyo at regulasyon na nagbibigay ng gabay sa maayos na paggamit ng karagatan.

Ang mga aksyon tulad ng side-swiping, lalo na kung ito ay sinasadya, ay magdudulot ng pinsala sa ibang sasakyan o buhay ng mga tao.

Ang ganitong mga insidente ay maaaring mag-ambag sa pagtindi ng tensiyon sa pagitan ng mga bansa na may kinalaman, at maaaring kinakailangang tugunan sa ilalim ng mga international legal mechanisms.

 

Water Canon

Sa pangyayaring ito sa karagatan noong Martes, dalawang barko ng Chinese coast guard ang gumamit ng mga water cannon laban sa isang mas maliit na supply boat na may dalang isang Filipino admiral at kanyang mga tripulante.

Ang mataas na presyur ng spray ay nagdulot ng pagkasira ng windshield ng bangka at pagkasugat sa admiral at apat nitong tripulante dahil sa mga nabasag na salamin at mga debris nito.

 

Risk to National Security

Ang paulit-ulit na pambabastos ng China sa West Philippine Sea ay isang malaking isyu sa seguridad.

Ang agresibo, illegal, at nakakapanakit na aksyon ng China laban sa mga barko ng Pilipinas, sa loob mismo ng Exclusive Economic Zone ng bansa, ay hindi dapat balewalain.

Ito ay isang malinaw na paglabag sa ating soberenya at nagtataas ng panganib sa kaligtasan ng ating mamamayan.

Ang pang-aagaw ng teritoryo at madalas na pangha-haras sa karagatan, ay maaaring maging senyales ng mas malalim na panganib sa pambansang seguridad.

Ang paggamit ng puwersang militar, lalo na kung may kasamang pambubully at pananakot, ay maaaring maging bahagi ng isang mas malawakang diskusyon ukol sa posibleng invasion o iba pang mas matinding aksyon ng China laban sa atin.

Ang Ayungin Shoal ay matatagpuan sa West Philippine Sea, at may distansyang 106.3 nautical miles mula sa Palawan.

Mayron namang 617.39 nautical miles ang layo nito mula sa mainland China.

Ito ay lubos na lampas sa 200 nautical miles na maximum maritime entitlement para sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

 

Global Tension

Marami ang nag-aalala na ang mga pangyayaring ito ay maaaring maging sanhi ng mas malalaking alitan at tensiyon sa pagitan ng dalawang malalaking bansa, Estados Unidos at China.

Ang Mutual Defense Treaty (MDT) ay isang kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas na nilagdaan noong Agosto 30, 1951.

Sa ilalim ng MDT, itinataguyod ng dalawang bansa ang pangako na magtutulungan at magbibigayan ng tulong militar sa oras ng agression o armadong atake mula sa labas.

Ibig sabihin, kung sakaling ang Pilipinas ay atakihin ng militar, inaasahan na tutugon ang Estados Unidos sa kanilang tulong sa ilalim ng kasunduang ito.

Ang panghaharas ng China sa loob ng teritoryo, lalo na kung aatakihin ng militar nito ang bansa, ay makakapag trigger ng response mula sa US, at mga kaalyadong bansa ng Pilipinas.

 

Be prepared

Bilang isang prepper, kahit hindi natin kayang kontrolin ang lahat ng sitwasyon, mahalaga ang paghahanda at pagkakaroon ng plano.

Kailangan nating maging laging updated sa mga pangyayari sa paligid, lalo na sa mga may kinalaman sa pambansang seguridad.

Di ba mahirap naman yung gigising ka isang araw, unaware na sinugod na pala tayo ng mga kalaban?

Dapat ay handa tayo sa bahay, may sapat na supply ng pagkain, tubig, essential supplies at iba pang kagamitan.

Mahalaga rin ang maayos na komunikasyon sa bawat myembro ng pamilya at komunidad.

Dapat may evacuation plan tayo, alam kung saan ligtas na lugar, at mayroong emergency kit na kasama ang mga pangunahing kagamitan.

Bilang isang prepper, mahalaga rin ang pagiging maingat sa mga aksyon at social media posts sa mga kaganapan na maaaring magdulot ng tensiyon.

Sa kabuuan, ang pagiging handa at may plano ay magbibigay sa atin ng kakayahan na mapanatili ang kaligtasan sa gitna ng mga hindi inaasahang pangyayari.

6 thoughts on “China Coast Guard, binangga at binomba ng tubig ang mga barko ng Pilipinas

  1. I read this piece of writing fully regarding the difference of most recent and earlier technologies, it’s
    awesome article.

    Also visit my web-site: Kh81Qw

  2. I enjoy what you guys tend to be up too. This kind of clever work and exposure!
    Keep up the fantastic works guys I’ve incorporated you guys to my own blogroll.

    my web-site … porn

  3. It appears that you know a lot about this topic. I expect to learn more from your upcoming updates. Of course, you are very much welcomed to my website ZQ3 about Podcasting.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *