Putin, nagbabala ng Nuclear War kung papasok ang NATO troops sa Ukraine

Malinaw na babala ni Putin na sinabi nya sa kanyang state-of-the-nation address bago ang eleksyon sa susunod na buwan na tila kumpiyansa siyang mananalo, at nagpapakita ng kanyang intensyon na escalation of conflict against the Western Countries, upang maprotektahan ang interest ng Russia sa Ukraine.

Sa pahayag ni French President Emmanuel Macron noong nakaraang linggo, posible ang pagpapadala ng Western ground troops sa Ukraine upang makatulong sa pagdipensa laban sa Russia.

Ayon kay Macron, gagawin nila ang lahat ng kinakailangan upang hindi manalo ang Russia sa digmaan.

Babala ni Putin na magdudulot ito ng “malupit” na mga kahihinatnan para sa mga bansa na magpapasyang gawin ito.

Sa loob ng dalawang taon, tatlong beses nang nagbanta si Russian President Vladimir V. Putin na gagamitin ang nuclear weapons ng Russia:

  1. Una ay noong simula ng giyera laban sa Ukraine dalawang taon na ang nakararaan
  2. Pangalawa nang natatalo sa laban ang mga tropa ng Russia laban sa Ukraine
  3. At pangatlo, kamakailan lang noong Huwebes, kung saan nararamdaman niyang unti-unti nang naglalaho ang depensa ng Ukraine at ang determinasyon ng America.

Binanggit din ni Putin na habang inaakusahan ng West ang Russia ng plano na atakihin ang mga kaalyado ng NATO sa Europa, ang mga Western Aliance ay “pumipili na di umano ng mga target sa loob ng kanilang teritoryo” at “nag-uusap tungkol sa posibilidad ng pagpapadala ng NATO troops sa Ukraine.”

Itinanggi ni Putin ang kamakailang akusasyon ng U.S. ang plano ng Russia na i-lunch ang nuclear weapons sa space, at tinawag ang mga akusasyon na “demagoguery”.

 

Ano ang epekto nito sa Pilipinas?

Ang Pilipinas ay maaaring maging indirectly affected, kung sakaling gawin ni Putin ang kanyang mga banta sa pagamit ng nuclear weapons, laban sa West.

Ang internasyonal economy at securityay maaaring ma-disrupt, at maaaring magdulot ng pagbabago sa pandaigdigang relation.

Ang kasunduang itinatag ng Pilipinas sa Estados Unidos at ang pagiging miyembro ng US sa NATO ay maaaring magkaruon ng epekto sa Pilipinas sa ilalim ng mutual defense treaty.

Kung ang mga pangyayari sa Ukraine ay magdulot ng pagtaas ng tensyon sa international security, maaaring maapektohan ang Pilipinas, dahil kaalyado natin ang United States.

Ang escalations sa ibang bahagi ng daigdig ay tiyak na makakapaekto sa atin.

Sigurado ang pagbabago ng presyo ng langis, paglala ng inflation, food shortages at iba pang economic aspects.

Marami kasi sa daily consumer needs ay imported.

Naalala ko lang, noong nagsimula ang pananakop ng Russia sa Ukraine, ang karamihan sa mga nakasalamuha ko ay walang paki alam.

Sabi nila, malayo yan sa atin.

Kaya social media lang sila, at mga pansariling interest.

Hanggang sa tumaas ang presyo ng gas, pamasahe, pagkain.

Nagkaubusan pa nga ng essentials katulad ng infant milk.

 

 

Ano ang maaari nating gawin?

Ang mga Nuclear Threat ay talagang mabigat na usapin, nakakatakot lalo na para prepping community.

Bilang mamamayan, mayroong ilang hakbang na maaari nating gawin.

  1. Stay Informed – Alamin ang mga kasalukuyang pangyayari sa Ukraine mula sa mga mapagkakatiwalaang pinagmulan ng impormasyon. Iwasan ang pagbabasa ng false news sa social media. Be responsible din sa pamamahagi ng mga information.
  2. Mag-prepare – Gumawa ng plano para sa iyong pamilya sa oras ng krisis, kasama na ang mga hakbang sa emergency preparedness. Alamin kung paano makakaligtas sa Nuclear Explosion. Mag-aral ng mga skills na magagamit sa oras ng emergency.
  3. Mag-stockpile – Ilista ang mga essential needs katulad ng pagkain, emergency kit, at EDC, at umpisahang mag i-stock nito.
  4. Stay calm – Maaaring pananakot lamang ito dahil sa Mutually Assured Destruction, kung saan alam ng bawat bansa na ang paggamit ng nuclear weapons ay magdudulot ng malupit na pinsala sa kanilang sariling teritoryo. Isa pa, ang pandaigdigang ekonomiya ay naka-link sa economy mismo ng bawat bansa, at ang anomang major conflict ay maaring magdulot ng malawakang epekto sa kanilang ekonomiya at international relations.
  5. Voice-out – Wala tayong control sa gusto nilang gawin, pero maaari tayong maging boses para sa kapayapaan at diplomasya. Ipahayag ang suporta sa mga hakbang na naglalayong magkaruon ng solusyon sa mapayapang paraan, hindi ng pag-gamit ng Lethal at Weapons of Mass Destructions katulad ng Nuclear.

 

Be prepared!

Habang wala tayong kontrol sa mga pangyayari sa ibang bahagi ng mundo, maaari tayong maglaan ng oras sa  paghahanda.

Ang pagiging handa sa anumang posibleng epekto ng pandaigdigang mga pangyayari ay nagbibigay ng kaligtasan at seguridad para sa ating sarili at sa ating komunidad.

Nakakalungkot namang isipin na sa kabila ng malalaking pangyayari sa mundo, maraming tao ang mas nakatutok sa mga personal na bagay.

Mahalaga rin naman ang pagmamatyag sa sariling pangangailangan, pero ang mga global na isyu tulad ng krisis sa Ukraine ay nagdadala ng malaking epekto sa ating lahat.

Sana ay mahanap ng mga tao ang balanse sa pagitan ng personal na interes at pag-unawa sa mas malawak na konteksto ng mga pangyayari sa mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *