14 Non-perishable foods na dapat i-prepare

Kamusta ka, ka-prepper?

Alam mo, maraming pagkakataon sa buhay na nagtuturo sa atin na maging handa, lalo na sa mga oras ng kagipitan.

Kaya’t sa tanong ko sa’yo:

Ano ang mga plano mo, kung mawala ang access sa pagkain sa oras ng krisis o SHTF?

Narito ang mga pagkain na dapat mong i-imbak upang maging handa sa pagdating ng disaster.

  1. Canned Goods
  2. Instant Noodles
  3. Rice
  4. Peanut Butter
  5. Biscuits
  6. Dried Fish
  7. Instant Coffee
  8. Bottled Water
  9. Powdered Milk
  10. Ready-to-eat Meals
  11. Chocolate or Energy Bars
  12. Oatmeal
  13. Condiments
  14. Cooking Oil

Sa totoo lang, naiintindihan ko kung minsan nakakatakot isipin kung paano tayo magiging handa sa oras ng kalamidad o anumang pangyayari na maaaring magdulot ng kawalan ng pagkain.

Pero alam mo, ang pagiging handa ay isang paraan ng pagmamahal sa sarili at sa pamilya.

Bakit kailangang mag-stock ng pagkain?

Importante mag-stock ng pagkain ngayon para handa tayo sa kahit anong mangyari, lalo na sa mga di-inaasahan gaya ng bagyo, lindol, o iba pang emergency.

Nakakatulong ‘to para hindi mag-panic sa paghahanap ng makakain, at masiguro na mayroon tayong sapat na supply para sa pamilya.

Kumbaga, “better safe than sorry” para sa peace of mind at seguridad ng lahat.

Kung walang pagkaing naka-stock, pwedeng magkaruon ng kakulangan sa pagkain sa oras ng krisis.

Halimbawa, sa pagdating ng bagyo na nagdudulot ng baha at pinsalang malaki, mahirap mahanap ang sariwang pagkain sa paligid.

Kung walang stock ng pagkain, maaaring magkaruon ng gutom at kakulangan sa sustansya ang pamilya, lalo na kung matagal bago makarating ang tulong.

Alam mo ba kung paano nakakatulong ang food stockpile?

Una, para sa peace of mind.

Hindi mo kailangang mag-worry ng sobra saan ka kukuha ng makakain kung biglang may nangyaring hindi inaasahan.

Pangalawa, para sa safety ng pamilya mo.

Imagine mo, biglang bagyong dumating, baha na, wala kang makain.

Paano na?

14 non-persihable food items na dapat iimbak

Pero kung may stock ka, kahit maulan, kahit may aberya sa kuryente, may backup kang makakain.

Hindi lang sa kalamidad, pre, pati sa mga unexpected events, kagaya ng economic uncertainty o pagtaas ng presyo ng mga bilihin, magiging malaking tulong ang pag-iimbak.

‘Wag sayangin ang peace of mind at proteksyon ng pamilya.

Narito ang mga non-perishable food items na pwede mong i-stockpile.

1. Canned Goods

Canned goods ang una sa listahan natin, kasi super practical at versatile.

Una, matagal ang shelf life niya, so kahit matagal mo nang itinago, okay pa rin.

Free A Close-Up Shot of Canned Goods Stock Photo

Pangalawa, madali siyang buksan at lutuin, hindi mo kailangang maging expert sa kusina.

Basta wag kalimutan na magtabi din ng can openner o di kaya, matalas na kutsilyo.

Pwedeng instant ulam o pampalasa sa ibang putahe.

Pangatlo, maraming klase at variety – corned beef, sardinas, luncheon meat, maasahan mo na may laman ang pantry mo sa oras ng pangangailangan.

Simpleng convenience lang siya na malaking tulong sa kahit anong klaseng kagipitan.

2. Instant Noodles

Ang instant noodles ay parang superhero ng pagkain sa oras ng emergency.

Una, madali at mabilis lutuin.

Mainit na tubig lang ang kailangan, makakakain ka na.

Free Noodles Instant Noodles photo and picture

Pangalawa, madali i-customize.

Pwedeng dagdagan ng itlog, karne, o gulay depende sa kung ano ang available.

Pangatlo, matagal ang shelf life ng mga instant noodles.

So pwede mo itong itago para sa mga emegency needs.

No wonder, bakit ito ang hindi nawawala sa mga relief goods items.

3. Rice

Ang bigas ang pinakapower na staple food sa Pilipinas.

Una, flexible siya sa lutuin.

Pwede sa kanin, i-lugaw, at kahit sa mga kakanin.

Free Rice Food photo and picture

Pangalawa, affordable siya at masustansya, kaya mainam para sa pang-araw-araw na pagkain.

Pangatlo, matagal ang shelf life ng bigas kung itatago ng maayos.

Hindi ka mawawalan ng laman sa tiyan basta may bigas ka.

Panghuli, mayaman sa carbohydrates, kaya energy booster ‘yan, lalo na kung kailangan mo ng lakas.

Siguraduhin lang natin na maayos ang pagkakaimbak nito upang hindi masayang.

Kung ilalagay natin ito sa tuyo, malamig na temperatura, at malinis na lagayan, maaaring tumagal ang bigas ng 4 hanggang 6 na buwan sa ordinaryong packaging.

Pero, kung gagamitin ang mga hermetic storage containers o vacuum-sealed bags, maaari itong tumagal ng 1 hanggang 2 taon.

Importante rin na regular na i-check ang bigas para makatiyak na hindi ito naaapekto ng moisture o pests.

4. Peanut Butter

Ang peanut butter ay parang all-in-one package ng sustansya at lasa.

Ppuno ito ng protina, kaya magandang supplement sa mga pagkain na maaaring kulang sa protein.

Free Peanut Butter Container beside Pile of Bread Stock Photo

May healthy fats rin ito, which is good for energy.

Madaling i-pair sa kahit anong tinapay o crackers para sa instant snack.

Matagal din ang shelf life niya, na maaaring umabot hanggang 9 months, so hindi mo kailangang palitan agad.

Ang peanut butter ay versatile, o maraming purpose sa kusina.

Pwedeng sa almusal, sa merienda, o sa kahit anong lutuin para sa karagdagang lasa.

5. Biscuits

Ang biscuits namay ay hindi lang pang daily life-saver snacks, maaari mo din itong i-stock para sa emergency.

Pwedeng pangbaon sa school, sa work, o kahit sa byahe.

Hindi mo na kasi kailangang lutuin ito, ready-to-eat agad.

Free Brown Crackers on Blue Surface Stock Photo

Compact at magaan ito kung kayat madaling dalhin at itabi kahit saan mo gusto.

Maraming klase ang pwede mong pagpilian katulad ng plain, ng may chocolate, at fruit-filled.

Hindi rin kasi ito mabilis masira, so pwede mo itong itago sa pantry.

6. Dried Fish

Ang dried fish ay parang secret weapon sa stock ng pagkain.

Matagal kasi itong malanta, so pwede mong itago nang matagal.

Free Dried Fish Close Up photo and picture

Puno ito ng protein, iron, at iba pang nutrients na kailangan ng katawan.

Madali itong iluto. Pwedeng iprito, instant ulam o pampalasa sa kanin.

Mura at madaling mahanap sa mga pamilihan.

Pwede naitin itong i-store para sa mga panahon na hindi mo alam kung saan ka kukuha ng fresh na ulam.

7. Instant Coffee at Tea

Regarding sa instant coffee o tea, para ito sa mga quick energy boost at comfort sa oras ng pangangailangan.

Madali lang ihanda, wala pang 5 minutes instant na agad ang kape o tsaa mo.

Free Kettle on Portable Stove Stock Photo

Pwede mo itong dalhin kahit saan para kahit saan, anytime, pwede kang magka-kape o tsaa.

Hindi mo kailangang maghintay ng magluto o mag-brew.

Instant relief agad!

At huli, hindi lang ito pang-gising, kundi pang-relax din.

Isa itong mabilisang comfort drink na maaaring magdulot ng saya sa kahit anong sitwasyon.

Kaya important ito, lalo na sa mga coffee or tea lovers katulad mo!

8. Bottled Water

Talagang importante ito sa anumang emergency kit.

Una, ang tubig ay pangunahing pangangailangan sa buhay, at mahalaga ito para sa hydration at pagluluto ng pagkain.

Free Man Wearing Black Shirt Drinking Water Stock Photo

Pangalawa, sa oras ng kalamidad, maaaring mawalan ng access sa malinis na tubig, kaya’t may bottled water ka, siguradong safe kang may maiinom.

Ito ay isa sa mga essence ng rule of three in survival dahil ang katawan ng tao ay kaya lang tumagal ng 3 araw na hindi umiinom ng tubig.

Sa dami ng kailangang i-stock, ito’y depende sa iyong household.

Ang general rule ay 3-5 liters per person per day para sa inumin at pangluluto.

Pero pwede mo rin i-consider ang mga special needs, gaya ng para sa mga bata o may malubhang kondisyon.

Importante rin ang regular na rotation ng bottled water para masiguradong laging fresh at ligtas inumin.

Basta, mas marami, mas maganda!

9. Powdered Milk

Ang powdered milk ay isang versatile at praktikal na item sa iyong emergency kit.

Puno kasi ito ng mga nutrients tulad ng calcium at vitamin D, na mahalaga sa kalusugan ng mga buto at ng katawan.

Free Creamer Powder Creamer photo and picture

Ito ay maaaring itago nang matagal (check expiration date), kaya’t pwede itong maging alternatibo sa fresh milk lalo na sa mga oras ng emergency.

Pwede din itong pampalasa sa tsaa, kape, o cereal, at maaaring maging mahalaga lalo na kung may mga bata o may mga miyembro ng pamilya na may kakaibang dietary needs.

Kaya dapat itong isama sa list of foods to prep sa iyong pantry.

10. Ready-to-eat Meals

Ang “ready-to-eat” na pagkain, tulad ng nasa canned goods o mga nasa tetra pouch, ay isa sa dapat na i-stockpile sa emergency kit.

Instant meal na kasi dahil handa nang kainin, kaya’t hindi mo kailangang magluto o mag-prepare ng kahit ano.

Ito ay compact at madaling dalhin at i-store kahit saan mo gusto.

Free Canned Food Nature photo and picture

Pwedeng pangbaon sa emergency kit, o pwedeng isiksik sa bag o backpack mo kung kailangan mo mag-evacuate.

May iba’t ibang klase ng pagkain na maaring pagpilian, tulad ng adobo, menudo, o sea foods.

Dahil ito ay sealed, mas matagal nitong mapanatili ang quality kumpara sa ibang pagkain.

Sa ganitong paraan, kahit na magkaroon ng krisis o emergency, alam mo na mayroon kang naka-handa na ligtas na makakain.

11. Chocolate or Energy Bars

Ang mga chocolate o energy bars ay mahalaga sa emergency kit sa ilalim ng ilang dahilan.

Ito ay mga compact na pagkain na madaling dalhin at hindi mabilis masisira, kaya’t maganda ito sa pag-energize sa oras ng pangangailangan.

Free Chocolate Bar Snack photo and picture

Puno ito ng carbohydrates, protina, at healthy fats, na nagbibigay ng instant na energy boost.

Ito ay maaaring maging mahalaga sa oras ng evacuation o paglakbay.

Masarap ito, kaya’t nagbibigay ito ng comfort at satisfaction sa oras ng stress o kagipitan.

Isama mo ito sa listahan ng iyong emergency kit, para laging handa sa anumang sitwasyon.

12. Oatmeal

Ang oatmeal ay dapat na idagdag sa iyong emergency kit.

Una, ito ay mabilis at madaling lutuin.

Free Cereal Glass photo and picture

Pwedeng gawing mainit na breakfast o meryenda sa loob lamang ng ilang minuto.

Pangalawa, mataas ito sa fiber, na makakatulong sa regular na pagtunaw at pangangalaga sa digestive health.

Pangatlo, puno rin ito ng nutrients tulad ng iron, magnesium, at B-vitamins.

Ito ay isang wholesome at masustansiyang pagkain na magbibigay ng lakas at enerhiya, lalo na sa mga oras ng pangangailangan.

Isama mo ang instant oatmeal sa iyong emergency kit para sa instant at nutritious na pagkain.

13. Condiments

Ang mga condiments ay maaaring magdagdag ng lasa at variety sa iyong pagkain, at maaaring maging kahalagahan sa iyong emergency kit.

Ang toyo, suka, asin, at iba pang condiments ay maaaring magbigay ng karagdagang flavor sa mga lutuin.

Free Variety Of Spices For Sale Stock Photo

Ang mga ito ay siguradong makakapagpa-dagdag ng comfort sa oras ng stress o kagipitan, dahil ang masarap na lasa ay nagbibigay ng pleasure at satisfaction.

Ang mga condiments ay maaaring magsilbing preservative para sa ibang pagkain, tulad ng dehydrated na lutuin, at maaaring gamitin pangtangal ng anumang lansa.

Kaya’t isama mo ang mga paborito mong condiments sa iyong kit para sa mas masarap at mas saganang kainan, kahit sa oras ng krisis.

14. Cooking Oil

Ang cooking oil ay isang pangunahing sangkap sa kusina, at may ilang mga dahilan kung bakit mahalagang isama ito sa iyong emergency kit.

Una, ito ay maaaring gamitin para sa pagluluto ng mga dehydrated na lutuin o instant na pagkain.

Free Glass Bottle photo and picture

Pangalawa, pwedeng gamitin ang cooking oil sa paggisa ng anumang available na fresh na ingredients, gaya ng gulay o karne, upang magkaruon ng masarap at masustansiyang pagkain.

Pangatlo, ito ay nagbibigay ng lasa sa mga pagkain, na maaaring maging mahalaga sa pagpapataas ng morale at comfort, lalo na sa mga oras ng disaster.

Kaya’t isama mo ang isang maliit na lalagyan ng cooking oil sa iyong emergency kit para mas maging versatile ang iyong kakayahan sa pagluluto.

 

Paano i-maintain ang stockpile ng pagkain?

Upang mapanatili ang kalidad ng iyong stockpile ng mga pagkain, mahalaga ang regular na pagsusuri at pag-rotate ng iyong supply.

Gawin natin ang “first in, first out” na sistema.

Ang “first in, first out” (FIFO) ay isang sistema ng supply management kung saan ang mga naunang naka-stock ay ginagamit o kinokonsumo bago ang mga bagong stock.

Ito ay isang paraan ng pag-rotate ng inventory upang masiguradong laging sariwa at hindi lumagpas sa expiration date ang mga items sa stockpile.

Siguruhing ang bawat item ay nasa tamang expiration date at itago ito sa malinis at tuyong lugar na malayo sa liwanag ng araw.

Gumawa ng listahan o log para sa pagmamanage ng iyong stock, kabilang ang petsa ng pagbili, expiration dates, at iba pang mahalagang detalye.

Magkaruon ng plano para sa paggamit ng iyong stockpile sa oras ng pangangailangan, at regular na i-update ito base sa mga pagbabago sa iyong pangangailangan at supply availability.

Narito pa ang ibang mga simpleng paalala para masiguradong maayos ang pagiimbak ng iyong emergency food supply:

  1. Regular Check-Up – Tiyakin na laging updated at sariwa ang iyong mga stock. Maari itong gawin sa pamamagitan ng regular na pag-rotate ng iyong mga supply para ang mga lumang items ang unang maubos.
  2. Expiration Dates – Alamin ang expiration dates ng bawat item at siguruhing hindi ito lumampas bago mo ito gamitin. Panatilihin ang “first in, first out” na sistema para sa paggamit ng iyong supply.
  3. Proper Storage – I-secure ang iyong pagkain sa tamang lugar. Panatilihing malinis, tuyo, at malayo sa sunlight. Mainam din ang cold and dark storage dalo na para sa mga dehydrated food na kailangan ng tamang storage para mapanatili ang kalidad nito.
  4. Variety – Subukan magtago ng iba’t ibang klase ng pagkain para may maraming pagpipilian. Hindi lang ito nakakapagbigay ng kakaibang lasa, ngunit nakakakapag bigay din ng balanced na nutrisyon.
  5. Record Keeping – Magkaruon ng listahan o log ng iyong supply. Ilista ang petsa ng pagbili, expiration dates, at iba pang mahalagang impormasyon na makakatulong sa inventory at pag-consume ng iyong stock.
  6. Emergency Plan – Magkaruon ng plano kung paano gagamitin ang iyong food stockpile sa oras ng pangangailangan. Kung paano mo ito i-deploy, dadalhin, itatago, at gagamitin sa anomang sitwasyon.
  7. Hydration – Huwag kalimutan ang tubig. Hindi lang ito pang-inumin, kundi pwedeng gamitin din sa pagluluto.

 

Conclusion

Mas magaan sa pakiramdam na may stockpile ng pagkain kung sakaling magka-kagulo, di ba?

May peace of mind.

Parang alam mo na kahit ano’ng mangyari, mayroon kang food supplies.

Isikreto mo lang para sa safety mo at ng mga kasama.

Comforting, di ba?

Kaya go lang, mag-stock ka na din!

Umpisahan mo sa iilang piraso, gawin mong consistent.

At one day, mapapansin mo, madami ka na palang ipon.

Sa ganitong paraan, parang may invisible armor ka laban sa gutom sa oras ng disaster.

Prepare to survive kapatid!

9 thoughts on “14 Non-perishable foods na dapat i-prepare

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *