Sinabi ng Pilipinas na nagtangkang pigilan ng Chinese Coast Guard ang isang barko nito na nagdadala ng mahalagang supply para sa mga manginigsda malapit sa pinag-aagawang bahura.
Ikalawang insidente na ang pangyayaring ito sa loob ng dalawang linggo.
Ang nasabing barko na BRP Datu Sanday, ay magdadala ng krudo sa mga mangingisda malapit sa Scarborough Shoal nang i-harassed ito ng China Coast Guard vessel at tatlong iba pang Chinese militia vessels.
Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard, kasama sa mga naitalang delikadong ikinilos ng Chinese vessels ay ang shadowing, vessel transponder jamming, at iba pang dangerous maneuver.
Sa kabila ng mga ito, pinuri ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard on West Philippine Sea issues, ang mahusay na kasanayan sa pagmamaneobra ng skipper, at ang kakayahan nitong iwasan ang mga blocking attempts.
Ayon sa Philippine Coast Guard, may kaparehas na insidente ang na-encounter ang BRP Datu Tamblot sa parehong lugar.
Ang Scarborough Shoal, isang triangular chain ng mga reefs and rocks, at tradisyonal na pangisdaan ng mga Pilipinong mangingisda, ay matagal nang punto ng hidwaan, magmula ng agawin ito ng China mula sa Pilipinas noong 2012.
Ang Beijing ay nagpadala ng mga coast guard at militia vessels na nanghaharass sa mga sasakyang Pilipino sa lugar.
Kabilang sa mga panghaharas ay radio challenges, panghahabol, panghaharang, pangbabangga, pambobomba ng tubig, at pangunguha ng mga huling isda ng mga Pilipinong mangingisda.
Sa isang social media post ng China state run media na Global Times, sinabi nila na naitaboy ng China coast guard ang BRP Datu Sanday.
Ito ay matapos raw na pumasok ang Datu Sanday “nang ilegal” sa teritory umano ng Scarborough Shoal.
As shown in the video, the CCG’s legal operation was in a professional and restraint manner. “Philippine vessel 3002, this is China Coast Guard 3105. Without permission, you are not allowed to enter the sea area of Huangyan Island of the People’s Republic of China. Please alter your course and leave the sea area immediately,” the coast guard said in the video.
The China Coast Guard (CCG) released a video on Saturday of it repelling Ship 3002 of the Philippines’ Bureau of Fisheries and Aquatic Resources in accordance with the law, when the vessel illegally intruded into waters adjacent to China’s Huangyan Island in the South China Sea.
Ang Scarborough Shoal ay may layong 240 kilometro (150 milya) lamang mula sa kanluran Luzon, habang nasa 900 kilometro naman ang layo nito sa pinakamalapit na isla ng China, ang Hainan island.
Inaangkin ng China ang halos kabuuan ng South China Sea, at paulit ulit nitong binabalewala ang ang rulling ng International Tribunal Rulings, na sinasabing, wala silang karapatan sa mga inangking teritoryo.
Noong nakaraang taon, nagkaruon ng matinding standoff sa pagitan ng China at Pilipinas sa palibot ng mga islang pinagaagawan.
Nagresulta ito sa panunutok ng military lasers, pambobomba ng tubig, at pagbanga ng mga barko ng China sa mga barko ng Pilipinas.